Nasyonalismo
Paano ko ba maisusulong ang nasyonalismo bilang isang mag-aaral ng MCHS?
Bago ko masagot ang tanong na 'yan, kailang ko munang sagutin ang tanong na ito. Anu-ano ba ang kailangan gawin para maisulong ang nasyonalismo? Siguro pagkakaroon ng pagmamahal sa bansa at pagiging tapat dito ang kailangan.
Buong pusong pag-aawit ng "Lupang Hinirang" at pag-memorya't pag-bigkas ng "Panatang Makabayan" ay magpapakita na mahal mo ang iyong bansa. Kung hindi ka kuntento dito ay magagawa mo ring bumili ng produktong sariling atin, ipagmalaki ang sariling bansa, gamitin ang sariling wika o bumisita sa sariling bansa. Hindi mo naman kailangang magpaka-Rizal para masabi mo sa sarili na mahal mo ang iyong bansa. Simple lang ito. Kahit sinong tao ay magagawa ito.
Ang pagiging tapat sa bansa ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng hindi pagtakwil dito. Pagsisilbi sa sariling mong bansa ay ang maaari mong gawin para matupad ito. Isa pang pwedeng gawin ay ipagtanggol ang sariling bansa sa panahon ng digmaan o kaya ay pagtulong sa kapwa-Pilipinong mga nasugatan habang nakikipagdigmaan.
Gagawin ko ang ilan sa mga sinabi ko. Hindi ko naman kailangan makilahok sa mga digmaan pero pwede naman akong magtrabaho dito kapag ako ay nakapagtapos sa pag-aaral ko.
Sapagkat ako ay estudyante lamang, hindi ko magagawa ang lahat-lahat ng sinabi ko. Ang magagawa ko lang ay gawin ito palagi at kasabay nito ay maging matapat sa paggagawa ng mga ito. Hindi ako makikipag plastikan para lang maipahalata na isinusulong ko ang nasyonalismo. Ang magagawa ko pa ay gawin ito ng buong puso. Hindi yung dahil lang kailangan ito ay gagawin ko ito para hindi ako mapagalitan. Gagawin ko ito dahil mahal ko ang bansa ko.